Ang McDonald’s ay nagsimula noong 1940. Ang nagoperate ng business na ito ay sina Richard at Maurice McDonald. At ito ay unang itinayo sa San Bernardino,California USA. Alam naman nating lahat na ang McDonald’s ay isa sa pinakasikat na fast food chain’s hindi lang dito sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa. Sa umpisa ang unang inilabas ng McDo na product ay ang hamburger doon sila sumikat hanggang sa dumami ng dumami ang product na binebente nila na pumatok sa panlasa ng masa. Ang mga product na binebenta nila ay kagaya ng french fries, chicken fillet with rice and chicken fillet ala king with rice ,nuggets at kung ano ano pa. McDonald’s
Chicken fillet with rice
Taste: Para sa akin ang lasa ng chicken fillet ng McDo ay crunchy yung coating tapos yung loob naman ay maanghang na malinamnam at sobrang lambot na talagang masarap at talagang bagay na bagay para sa kanin.
Presentation: Pagdating naman sa presentation ng product na simple lang pero maganda dahil kapag ganoon naman ang product na ibebente ay hindi na kailangan ng bonggang presentation.
Price: Sa price naman, talagang affordable kasi sa presyong 59 pesos mabubusog kana at talagang presyong pang masa.
Disclaimer