Greenwich Chicken

Taste: Ang chicken ng greenwich ay medyo mamantika na may pagkamaalat pero crispy naman siya pag tinikman mo. Malasa yung mga herbs na nakabalot dun sa mismong chicken at very juicy ang chicken nila.

Presentation: Sa presentation ng chicken nila, simple at maayos. Makikitang mong hindi bara bara yung pagkakalagay nung breading mix nila at presentable naman siya tignan.
Price: Ang price ng chicken nila ay umaabot sa price na 69 pesos pang isang tao. Ang mahal niya kumpara sa ibang chicken at di siya afford ng mga estudyante na kaya ko.

Disclaimer

Greenwich Spaghetti

Taste: Ang greenwich spaghetti nila ay macreamy at masaucy at may pagkamaasim siya pag natikaman mo. Pero medyo nakakasawa dahil sobrang dami ng sauce na nilalagay nila.

At yung ground meat na nilagay nila ay medyo kunti
Presentation: Pagdating sa pagkakapresent ng spaghetti maayos naman ang pagkakalagay nila ng pasta at sauce pero masyadong umaapaw yung sauce nila.
Price: Ang price ng umaabot 65 pesos kapag magisa ka lang, meron ding 239 kapag gusto mo ng mas marami at 449 kung gusto ko kapag pangmaramihan. Ang mahal niya dahil ang ibang spaghetti ng ibang fast food chain ay mas mura kumpara sa spaghetti nila

Disclaimer

Lasagna of greenwich




Taste: Ang lasagna ng greenwich ay macreamy at saucy siya pero may pagkamaalat ng kunti yung sauce niya pero pagdating naman dun sa pasta luto naman siya at maayos naman ang texture niya.

Presentation: Maayos naman tignan ang pagkakalagay ng bawat ingridients ng lasagna medyo umaapaw lang yung sauce na nilalagay nila.

Price: Ang price ng lasagna nila ay umaabot sa halagang 110 pesos with garlic bread na ang mahal niya para sa simpleng lasagna at hindi siya agad maafford ng mga taong walang kakayahang bumili.

Disclaimer

Chicken with rice of wendy’s



Taste: sa lasa ng chicken nila maalat din ng kunti at maliit lang. Yung chicken naman nila ayos lang ang pagkakaluto at mamantika dahil nga fried siya.

Presentation: Sa presentation ng chicken ay paayos naman ang pagkakalagay ng breading mix ay maayos naman ang pagkakalagay nila sa mismong plate or lagayan.

Price: Sa 2 pc chicken with rice ay umaabot sa price na 141 pesos mura na siya kumpara sa ibang chicken na umaabot sa 150 pesos. Ayos na sa budget dahil dalawang pcs na chicken bagay na bagay sa rice.

Disclaimer

Wendy’s french fries



Taste: Ang wendy’s french fries ay matataba na slice ng potato pero maalat ito. Sobra niyang mamantika at malasa naman.

Presentation: Sa presentation ng fries nila ay maayos naman at maganda ang lagayan na ginagamit nila.

Price: sa price ng fries umaabot oto sa price na 36 pesos small size na yun ang mahal niya kumpara sa fries ng ibang food restaurant.
Disclaimer

Iced tea of wendy’s

Taste: Ang iced tea ng wendy’s ay matamis at masarap na may pagkamaasim dahil sa purong lemon na nilalagay dito. 

Presentation: Sa presentation ng product nila ay maayos naman at simple lang ang pagkakalagay ng iced tea.Hindi siya tapon tapon.

Price: Ang price ng product nila ay umaabot sa 54 pesos napakamahal niya man pero sulit na sulit ka pag ito ay natikman mo. 

Disclaimer

Wendy’s Salad bar





Taste: Ang salad ng wendy’s ay napakasarap. Saktong sakto ang pagkakapili ng mga ingridients na nilalagay dun at fresh na fresh ang mga ingridients nila at yung pagkakaluto ng mga ingridients nila ay saktong sakto din. Hindi siya ganong maasim yung sauce na binibigay nila

Presentation: Pagdating sa presentation meron kasi silang salad na ikaw mismo ang maglalagay kung gaano kadami ang ilalagay mo at ikaw na rin ang bahala kung paano mo dedesignan ang salad mo.

Price: Sa price ng salad bar umaabot ito sa price na 199 pesos mura na kasi kahit punuin mo pa yung plato is okay lang as long as uubusin mo dahil hindi naman siya unli.

Disclaimer

Mang Inasal Lumpiang Toge


Taste: Ang lumpiang toge ng mang inasal ay masarap yung malaman niya sa loob ay sobrang sarap na talagang pwedeng ipartner sa kanin. Hindi siya maalat at saktong sakto lang pagkakaluto ng wrapper at ng mismong toge. Kaso nga lang ang mantika nito masyado.

Presentation: Sa presentation ng lumpiang toge maayos naman ang pagkakabalot at hindi siya basta basta lang na ginawa. 

Price: Ang price ng toge ay umaabot sa halagang 49.50 ang mahal niya dahil dalawang piraso lang naman ang laman.

Disclaimer

Mang Inasal Halo-Halo



Taste: Ang halo-halo ng mang inasal ay matamis dahil sa dami ng sugar na nilalagay at ma gatas. Yung mga saging, sago, leche flan, ube, kamote at marami pang ibang ingridients ng halo-halong ito ay tama lang ang pagkakaluto. At talagang masarap kagaya ng nakahiligang pagkaing halo halo ng pinoy.

Presentation : Sa presentation ng halo halo minsan ay lagpas lagpas na nakalagay ang gatas pero maganda naman ang pagkakaayos ng mga ingridients.

Price: Sa price kung gusto mo ng pang isahan lang ay merong mabibili sa halagang 53 pesos sulit na sulit na lalong lalo na sa tag init.

Disclaimer

Palabok ng Mang Inasal

Taste: Ang palabok ng Mang Inasal ay masarap yung sotanghon na ginamit nila ay lutong luto na madaling nguyain at yung mismong sauce naman nila may pagkamatamis at may pagkaalat alat.

Presentation: Sa presentation ang sauce nila ay maayos ang pagkakalagay ng sauce nila ta maayos naman ang lagayan nila.

Price: Ang price ng palabok nila ay umaabot sa price na 75 ang mahal niya dahil simpleng palabok lang ito na pwede namang iprice ng hindi bumababa ng 50.

Disclaimer